‘Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag’: Ang Pagsusuri

YSABEL FRANCE TAGALAG BONENG
4 min readMar 8, 2021

--

‘Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag’

Ang ‘Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag’ ay isang akda ni Edgardo Reyes na kung saan ang pangunahing paksa ng istorya ay nagpapahayag ng mga isyu ng lipunan na hinaharap ng mga pangunahing tauhan na maaari rin harapin ng mga tao sa kasalukuyan.

Ang bawat salita mula sa pamagat ng istorya ay may sinisimbolo. Umpisahan natin sa salitang ‘Maynila’ na kung saan sinisimbolo nito ang mailap na pangako ng kaginhawaan at lungsod ng pangarap at kasawian. Sumunod naman ang salitang ‘Kuko’ na kung saan sinisimbolo nito ang kasawian, karahasan at bangis. At panghuli ang salitang ‘Liwanag’ na kung saan sinisimbolo nito ang pag-asa, kaginhawaan, at kalayaan. Ang kaugnayan ng pamagat sa pelikula ay naglalarawan ng pagkabangis at paghihirap ng mga tao sa lungsod ng Maynila.

Si Edgardo M. Reyes ay kilala sa larangan ng pag-aakda. Isinilang siya noong Setyembre 20, 1936 at pumanaw noong Mayo 15, 2012 sa Taytay, Rizal. Ang kanyang mga ginawang akda ay ‘Ang Mundong ito ay lupa’, ‘Laro sa Baga’, ang ‘Maynila sa mga Kuko ng Liwanag’, atbp. Ang gustong iparating ng may-akda sa kabuuan ng kwento ay maraming posibilidad at pangarap na maaaring matupad dito ngunit sa kasamaang palad maraming marahas at dalita na kaganapan sa lungsod ng maynila na kadalasan ay tingin ng mga taong namumuhay sa probinsya ay marangya at maganda ang buhay ng mga taong nandito.

Ang mga tauhan ay may kanya-kanyang papel at karakter sa kabuuan ng istorya. Si Julio Madiaga ay ang pangunahing tauhan na nagpakita ng pagsisikap at pagnanais na makita muli ang kanyang minamahal na si Ligaya Paraiso. Ang tagpuan ng istorya ay umiikot sa Lungsod ng Maynila. Ang Maynila ay isang lungsod na pinupuntahan at pinamamahayan ng mga taong may gustong marating sa buhay ayon sa inilalarawan ng istorya. Subalit ang ibang bahagi ng lungsod ay namumuhay sa kahirapan dahil sa mga taong suwail, maralita, at walang galang. Si Julio, nagsisimbolo ng mga taong kumakapit sa patalim upang mabuhay. Si Ligaya, nagsisimbolo ng mga babaeng naging biktima ng karahasan. Si Misis Cruz, nagsisimbolo ng mga taong namumuhay sa panloloko. Si Pol, nagsisimbolo ng mga mamamayang kayang gawin ang lahat sa ngalan ng pakikisama. Si Benny, nagsisimbolo ng mga biktima ng karahasan. Si Atong, nagsisimbolo ng mga mamamayang biktima ng hustisya. Si Bobby, nagsisimbolo ng mga taong nagbebenta ng laman para lamang mabuhay. Si Imo, nagsisimbolo ng mga taong masipag at matiyaga sa bawat hamon sa buhay. Si Ah Tek, nagsisimbolo ng mga dayuhang mapagsamantala sa sariling kahinaan. Si Perla, nagsisimbolo ng mga biktima ng kawalang pag-asa nang dahil sa kahirapan.

May mga teoryang pampanitikan na maaaring gamitin sa pagsusuri. Tulad ng Realismo na nagpapakita ng mukha ng kahirapan, mga bisyo sa lipunan, pang-aabuso sa mahihirap, at pananamantala sa kahinaan at kahirapan ng iba. Sumasalamin sa totoong mukha ng buhay. Markismo na nagpapakita ng nagtatrabaho kahit nahihirapan kaso maliit ang ibinigay na sweldo at ang pagbebenta ng katawan para magkapera. Eksistensyalismo na nagpapakita na ang tao ay may kakayahang pumili. Formalismo na nagpapakita ng pagnanais niyang pumunta sa Maynila para makamit ang mga pangarap at pagiging matatag sa kabila ng paghihirap. Feminismo na nagpapakita ng diin sa paglaban ng mga karapatan ng mga kababaihan. Ang isyung panlipunan na aming pinili ay ang patuloy na paglala ng kalagayan ng mga mahihirap. Ang isyung panlipunan na aming napili ay nasa ilalim ng kategoryang Realismo dahil inilalarawan ng isyu kung paano tunay namumuhay ang mga mahihirap. Ang mga iba ay kumakapit sa mga kasamaan at gumagawa ng illegal para sila ay mabuhay.

Ang isyung panlipunan na aming napili ay nasa ilalim ng kategoryang Realismo dahil inilalarawan ng isyu kung paano tunay namumuhay ang mga mahihirap. Ang mga iba ay kumakapit sa mga kasamaan at gumagawa ng illegal para sila ay mabuhay. Palabas na tinalakay ay nakakalungkot dahil hindi totoong pagdating palang sa maynila ay agad agad ka ng aahon at kung iisipin ang lungsod na ito ay mapangahas at delikado dahil yun ang realidad nitong lungsod na ito at hindi lahat ng taong matatakbuhan mo ay totoo. Ang palabas na ito ay lubos naming inirerekomenda dahil sa tema ng istorya na maraming aral na maaaring matutunan lalo na sa mga kabataan na kagaya namin sapagkat binubuksan ng palabas na ito ang ating mga mata sa katotohanan at paghihirap na ating maaaring kaharapin. Angkop ang tema nito sa kabataan at kahit sa mga matanda sapagkat binibigyang pansin nito ang mga isyu na ating maaaring harapin at upang maliwanagan tayo sa kung ano nga ba ang lungsod ng maynila na hindi ito puro karangyaan dahil kadalasan ay nandito ang mabangis, mapangahas at mahirap na buhay.

Ang batas na maaaring ipanukala upang masagot ang isa sa mga isyung panlipunang tinalakay sa akda ay ang Republic Act 11291 o kilala bilang Magna Carta for the poor. Ipinatupad ito ni President Rodrigo Duterte upang maiangat ang pamantayan at pamumuhay at kalidad ng buhay ng mga mahihirap. Dapat bigyan ng kapangyarihan ang mga karapatan ng mahihirap upang matugunan ang pinakamaliit na pangunahing pangangailangan.

Published by:

Chelsea Manabat, Jenna Lucernas, Joshua Mallillin, and Ysabel Boneng

SOURCES: https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FManila_in_the_Claws_of_Light&psig=AOvVaw2AULEu2lC5XfKbUDf6xWuK&ust=1615284995286000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKjTzdW7oO8CFQAAAAAdAAAAABAP https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fjudemarcialblog.wordpress.com%2F2018%2F08%2F03%2Fmaynila-sa-mga-kuko-ng-liwanag-edgardo-m-reyes%2F&psig=AOvVaw2AULEu2lC5XfKbUDf6xWuK&ust=1615284995286000 https://businessmirror.com.ph/2019/06/03/magna-carta-of-the-poor/#:~:text=On%20April%2012%2C%202019%2C%20President,sustained%20opportunities%20for%20growth%20and

--

--

No responses yet